Entry: Bulaga Friday, May 16, 2008



George Jr on propeller George Jr on propeller

-----------------------------------

Marahil mas nadarama natin ang ating pagiging buhay na buhay sa mga mumunting "Bulagaan" ng ating buhay. Mga pangyayaring bigla na lang susulpot-kabuti. Marami kang hindi inaasahang pangyayari ang nagaganap. Parang hulog ng langit (o hagis ng impyerno) na malaking bato na sumisigaw na "Huli ka  balbon! Bulaga!"

Minsan kapag pumapasok ako sa  gusali ng aming opisina,  habang pikit pa ang isang mata,  ngingitian ako ng  guwardiya , "Good morning Miss Bernadette!" Noong una niyang pagbati ay laking gulat ko, paano niya nalaman ang aking pangalan?! Ako ba talaga ang kanyang tinatawag? Bakit naman Bernadette. Sosmio! At ako ay gising na sa isang panaginip sa kadahilanang hindi mawari kung panaginip ba ang lahat ng ito. Bernadette ba talaga ang aking pangalan?! Ngingiti na lamang ako dahil maaalala ko iyong masungit na gwardya namin noong HS o kaya ung mala-robot na may stick na gwardya na parang laging may kutob sya na may bomba sa aking bag sa aking dating opisina.

Kahapon habang nakikipagdiskurso sa aking ka-opisina sa kanyang lugar, bigla na lang may humampas sa aking ulo. Napamura ako ng malakas! Bakit may bumato sa akin?! Iyon pala ay bumagsak ung mala-styrofoam ng aming kisame (?yun ba tawag dun?). At ako ang maswerteng nakasalo nito. Hahaha!

At sa kabagutan ng IT, minsan ay mga hindi talaga inaasahang pangyayari. Kagaya kahapon ng naka-"maximize" ang meebo.com ko, bigla na lang tumabi sa akin ang manager ko. "So Jasmine, how's it going?!" Nanlaki na naman ang aking mga mata habang sumisilip ang kanyang mga mata sa aking mga chat windows. Huli ka! At ako ay nabuhay sa kabagutan.

Isama na rin natin iyong mga pangyayaring bibilis ang indak ng ating mga puso. Noong isang araw, sa pagiging tunay na Pilipina kong mahilig sa shortcuts, muntik na akong ma-peligro. Dahil ako ay nagdouble lane sa u-turn at may katabi akong pulpol na hindi tumitingin, muntik na kaming magkabanggaan. Ilang cm na lang ay muntik nya nang kalabitin ang kakaayos lang na aking vroom vroom. Narinig ko ang malakas nyang sipa sa break. Buti na lamang... At ako po ay nanginig. Tsk tsk!

Mga biglaang lambing. Kamusta mula sa kaibigan. Napakaliit na pagtaas sa sweldo (na may kasamang mura). Pabaon ng mga magulang. Pagbalik ni Gabby Concepcion sa Pilipinas (hahaha). Nakatatakot na pagkausap ng isang Bumbay sa mall. Nakawiwindang na mga tanong ng iyong pamangkin. Pagkamatay bigla ng 5 malalaking koi na worth 50K na. Away-bati. Bagong masarap na pagkaing natikman. Pagbaha sa iyong bahay dahil sumabog ang bomba ng tubig. Pagka-hulog sa hagdanan.

"Oo buhay pa ko!"



   0 + 101.5 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments