<< January 2006 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31

For the sake of myself being remembered by my short-term memory I write lines--overly non-sensical lines of random thoughts burning with pessimism, nauseous hopelessness, spoofable reflections, gibberish rants and sometimes retracting suicidal grains of food cravings, insane cursings... I don't write to be appreciated. My fiction deserves no attention. I type blank-spaced blahs of words, similar to forgetful lines if ever you are reading these words, forgive yourself on why the heck you've thought of browsing this page. You might feel depressed as I ponder my thoughts on my life... so you better exit now and save yourself from insanity. Bow.

Sheethead Queen
This is a blog written by the queen of Sheetheads. Wondering what that word means? Sheethead is a clay mineral powder which is used to absorb oil and grease from non-washable fabrics. Or maybe it means a head full of bright semi-shitty crappy ideas. Or maybe Sheethead doesn’t mean anything.

This blog is full-heartedly dedicated to Smokey’s hotdog, isaw, hematophobics, Master Splinter of Teenage Mutant Ninja Turtles, to people strangled by the Sheethead, to anti-posers, to the late Luis Taruc and other Pinoy liberalists and nationalists, to the Visayan nephew, to paranoid loving parents, to siblings and relatives, to Christian Bautista, to Iranians, to Quentin Tarantino, to UAAP fans who’ve mistaken this blog as their idols’ fan site, to the wondrous sights of the Philippines and of course, to YOU! YIHEE!

Quote for the day:
If you do not know who I am, maybe you do not know who I am.

Thus, I’ve crafted “Ten Magnificent Random Things You Should Know About Me.” Only 90% of this is authentic. 1 is a lie.

1. I am a 24 year old IT analyst in denial. I am an MIS graduate of the Ateneo de Manila University. I have been blogging since 2004 and developed my asthma while being bored with corporate life.
2. I am afraid of blood and roaches.
3. I am currently addicted to Damien Rice's, Up Dharma Down's and The Beatles' music.
4. I have mild amnesia and I am a fulfilled insomniac.
5. My dream is to be DOT's secretary someday.
6. I still dream of becoming a rockstar someday.br> 7. I crave for lobsters, isaw, kilawin, Meatshop's steak, more prawns, oyster, Lord Stow egg tart, Philadelphia cheesecake, aligue, calif maki, leche flan and tomato soup.
8. My knight will soon take me to Sagada, Mt. Pinatubo, Camiguin, Siquijor, Sorsogon, Siargao, Isabela and Sulu.
9. Horsebackriding was my passion. Surfing is my dream.
10. I love singing DJ Alvaro's songs on videoke.

Wishlist:

Condo in Makati, Canon EOS 40D, Wii, TV Stick Tuner for iMac, stone driller, Godfather original DVD, P.O.A dress, violet Chuckies, free one month massage, Kitkat, Choco Mallows, Lord Stow egg tart lifetime supply, JBL sound system, B Series MB, violet Samsonite luggage, gold Rolex watch, all expense-paid trip to Batanes, Tokyo, Mt. Pinatubo, New Zealand, Siargao, Marinduque, Guimaras, Swiss Alps, France, Himalayas, Africa

Book-o-rama Great Reads:

Alan Lightman, Nietzsche, Freud, Jessica Hagedorn, Randy David, Conrado de Quiros, Dave Eggers, JD Salinger, Mark Haddon, Lourd de Veyra, Doug Lansky, Michael Cunningham, Frank McCourt, Harper Lee, Gabriel Garcia Marquez, Ramil Gulle, Bill Watterson, Roald Dahl, Nick Joaquin, Robert Fulghum, Neil Gaiman, Citiatlas

Music-worthy Lokals:
Dicta License, Up Dharma Down, Urban Dub, Sugarfree, Cynthia Alexander, Rivermaya, Radioactive Sago Project, P.O.T., Imago, Razorback, Wolfgang, Orange and Lemons, Brownbeat All Stars, Bamboo, The Bridge, Sugar Hiccups, Sheila and the Insects, Sponge Cola, Sandwich, Sponge Cola, Session Road, Kjwan, Kapatid, Barbie’s Cradle, The Teeth, Eraserheads, HYP, Joey Ayala, Gary Granada, Brownman Revival, True Faith, Side A, Parokya ni Edgar, Freestyle, South Border, Christian Bautista, Michael Cruz, Gary V.

Music-worthy Foreign Invasions:
Smashing Pumpkins, The BEATLES, Red Hot Chili Peppers, Damien Rice, Nirvana, Moonpools and Caterpillars, Aida Broadway, Foo Fighters, Oasis, 311, Our Lady Peace, Pearl Jam, Incubus, Deftones, System of A Down, Jars of Clay, Fra Lippo Lippi, Depeche Mode, The White Stripes, Janis Joplin, Boyz II Men, Silverchair, The White Stripes, Caetano Veloso, Tracy Chapman, No Doubt, Vertical Horizon, A Perfect Circle, Snow Patrol, Ne-yo, Regina Spektor, Keane, Sarah McLachlan, Ben Folds Five, Third Eye Blind, Usher, Live, Rage Against the Machine, Cold Play, Alanis Morisette, 50 Cent, Cranberries, Jewel, Tori Amos, Staind, Blur, Stevie Wonder, At The Drive-In, Nat King Cole, Goo Goo Dolls

Movie Mania
In The Mood For Love, Big Time!, Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, Reality Bites, Legend of 1900, Gattaca, I am David, Endo, Juno, Kite Runner, Schindler's List, , Olivier, Olivier, Fight Club, City of God, Chungking Express, Cinema Paradiso, Malena, Children of Heaven, Children of Paradise, Primal Fear, American History X, Fahrenheit 9/11, Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon, Karnal, Fallen, Catch Me If You Can, Fallen Angels, La Jette, Y Tu Mama Tambien, Amores Perros, The Crime of Padre Amarro, Legend of the Falls, In America, American Beauty, Snow Falling On Cedars, Amelie, Run Lola Run, Talk To Her, The Rainmaker, Seven, Life is Beautiful, My Best Friend's Wedding, Confessions of A Dangerous Mind, How To Lose A Guy in 10 Days, Kill Bill, Godfather 1, Motorcycle Diaries, Godfather 2, Closer, Mulan, Shawshank Redemption, One Flew Over the Cuckoo's Nest, The Others, Practical Magic, Chocolat, The Matrix 1, Shrek, Monsters, Inc., Almost Famous, The Pianist, Girl Interrupted, Lost in Translation, Cider House Rules, Devil's Advocate, Dead Man Walking, Philadelphia, Citizen Kane, Not One Less, Minority Report, Sixth Sense, Big Fish, Kill Bill 2, Godfather 3, Artificial Intelligence, Killing Me Softly, Vertical Limit, L'Appartement, Au Revoir Les Enfantes, Osama, The Adaptation, Imelda, Queen Margot, American Rhapsody, La Vida Rosa, Before Sunset, Waking Life

Go Away. Click these. But link me please:

LINKS
ADMU2005  Ala   Birdie  Cel  Che Lives   Cleyops   Conrado de Quiros  Cynthia  Damien  Gameplan   Happy Tree Friends   Helen   Hyza   Ian  Je-Em  Joy  Neil Gaiman  Orange&Lemons  Peper   Pex   PixelGirl   Polly  Quark Henares   Rage  RSP  Secrets  Sheila and the Insects Urban Dub   Green Minded      Jaja   Jenie Tish Travel Factor

 

Everything Maldita.
Mga Malditas' Multiply
Icar's Bloga 
Ice 
Icar's Multiply 
Abby's Multiply  
Abby 
DJ's Multiply
High Blood Cum Laude

Travelogue Decadents of Some Sort:

Banaue Batanes  Bolinao  Circle Divisoria Marinduque Tate

Mga Memorableng Nakaraang Artikulo:



The Tale of Sweet Valley and Other Books
Being Boyfriendless at 20
Thoughts on Poverty
Death Wishes
Black Nazarene
Melanie Quotable Quotes
Quiapo
Reality Bit Me
My Metro Love Story Part 1
My Metro Love Story Part 2
Boo Boos
7 Corners Food Review
Why Blog?
Alaala
Usapang Pagkain
A Wrong God?
Murder Cases sa Planetang Dynpro
Cinema and Culture
iPod, oh iPod!
Cynic Bday Girl
Ambitions
Bus Adventure
Tanghaling Tapat
Carbon Copy
Longing and Mundane Things
The Arrogance of Figures
Burst
Bloody 50++ jesus christs
Sadness
Para sa Araw ng Kakilig-kilig
Huli sa Gabi
Laging Wala, Wala
Buhay
Mud Despondency
An Overflowing Expression Of My Love
Black Hole Fiction
MMDA Adventure
My Insensitivity Triggered by melancholic thoughts
kuyakoy
Bolinao 1
Thoughts on the recurring question...
Divisoria, Tutuban and Espanya Rock!!!
lo's death anniv and my first driver's license

 

 




If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Sunday, January 08, 2006
Black Nazarene

Since it’s the feast of Black Nazarene on Monday, I’d like to post my Philo paper back when I was in 3rd year. Most people do not understand why a lot of people still do this tradition. Is it merely a pagan tradition? I don’t think so. Read on!

 

Ibulong mo kay NPJN ang iyong inaasam!

Repleksiyon sa Pananalig ng mga Deboto

sa Nuestro Padre Jesus Nazareno

Batay sa Personalistikong Diyos ni Gabriel Marcel

 

Sa labas ng simbahan ay isang matandang babaeng nakasandal sa may dingding, nakapikit ang mga lumuluhang mga mata. Ilang oras na siyang nakaluhod ngunit wala pa rin siyang tigil sa kakadasal ng dalangin sa pagsisisi. “Panginoong kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at sumakop sa akin, pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko ang ‘di lang pagkakasala ko sa iyo, Ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama na iniibig nang higit sa lahat. Nagtitika akong matibay na ‘di na muling magkakasala sa iyo at nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko…”

Tila buhay ang isang Hesukristong suot ang ginintuang pulang damit at pulos tinik na korona sa may Quiapo. Pasan ng kanyang kanang balikat ang malaking kahoy na krus. Bagsak ang kanyang mga mukha, ninanais tumayo pagkatapos ng masakit na pagkahulog. Ang kanyang mukha ay puno ng pighati… tila tumatawag kaninoman na tulungan siya sa pagpasan ng mabigat na krus.

Pasok-labas ang mga tao sa simbahan ng Quiapo- mayroong matanda, bata, uugud-ugod, estudyante, pulubi, mamimili, namatayan at galing pang probinsiya. Lahat ay sabay-sabay na dumadalangin sa isang Hesukristo, tahimik sa sari-sarili nilang pananampalataya. Mayroong umiiyak, nagrorosaryo, nakatayo, nakaupo, nakaluhod na lumalakad patungong altar at nagpupunas sa rebulto ni Hesus.

Mahigit sa tatlong siglo na ang rebultong ito. Parami ng parami pa rin ang nagiging deboto nito mula pa noong 1762 sa hindi kapani-paniwalang pagkakaligtas sa rebulto ni Kristo. Tatlong beses mang nasunog, nagiba at nasira sa lindol ang simbahan ng Quiapo ngunit matatag pa ring pasan ni Hesus ang krus. Milagro, ‘ika nga, na buong-buo pa rin ang estatwa ni Kristo.

Hindi maitatangging may kapang-akit-akit sa imahe nito. Libo-libo ang nakikipagbarasuhan upang masilip at mahawakan ang estatwa ng Nazareno tuwing ika-9 ng Enero at tuwing Mahal na Araw. Buhay ang Nuestro Padre Jesus Nazareno sa mga nananalig. Bakit nga ba patuloy ang mga taong naaakit sa tradisyong ito? Ano ang nakikita ng mga taong ito sa Nazareno? Isa lamang ba itong ilusyon na nagpapa-asa sa kanila sa mas magandang buhay? Isa lamang ba itong gawain upang makahingi sa hindi naman nakikitang Diyos ng mga biyaya?

Ayon kay Gabriel Marcel, dahil sa situwasyon ng kadiliman ng tao, nagpapasakop ang tao sa pag-asa. Maaaring kaya patuloy sumasamba ang mga taong ito ay dahil sa Nazareno sila humuhugot ng pag-asa at katiyakan sa buhay na walang kaayusan. Sa ating pag-iral, lagi tayong naghahanap ng kasagutan— bakit tayo inihulog sa ganitong klaseng mundo? bakit tayo nabubuhay... Tayo ay nabibilanggo hangga’t hindi natin naisasagot ang mga katanungan ukol sa ating pag-iral. Kung gayon, tayo ay nagpupumilit na gawing tiyak ang “hindi kilala.” Kinakailangang bigyan natin ng kabuluhan ang ating sarili at ang ating pag-iral. Sa kawalan ng ating pag-asa na kumawala sa pagkakabihag ng ating kadiliman, naaaninagan natin ang misteryosong liwanag ng pag-asa. Babaling tayo sa alinlangan— na mayroong Diyos dahil ang pagbaling na ito ay may kakayahang sumaibayo ng mismong buhay natin bilang tao. Dahil wala ng makapitan pa, sa Diyos tayo aasa. Sabi nga ng tatlumpu’t taon nang deboto na si Bro. Larry del Rosario, “Kung aasa ka sa kapwa mo at sa sarili mo, mabibigo ka. Wala ka na talagang kakapitan kung hindi ang Diyos dahil hindi ka nito bibiguin.”

            “Kung anuman ang problema, sa kanya ka lang dumepende. Umasa ka palagi sa kanya. Lagi mo siyang tatawagin. ‘Wag kang mawawala. ‘Wag ka lamang bibitiw. Konting kapit lang. Magtiyaga ka talaga.”  Kung tayo ay aasa, tayo ay nagbubukas sa posibilidad ng bukas. Karaniwan sa mga deboto sa Nazareno ay dumadalangin upang matulungan sila ng Diyos sa kanilang mga problema. Ngunit bakit sa Diyos sila umaasa? Ninanais nilang “makitagpo” sa Diyos dahil sila ay umaasa sa bukas. Alam niyang maaaring tugunan ng Diyos ang kaniyang mga panalangin. Alam niyang mayroong Absolutong Diyos na “Ikaw” na nagbibigay ng liwanag ng pag-asa.  Hindi niya tatanggapin ang masaklap na mga baka-sakali ng kawalang-pag-asa—hindi bibiguin ng Diyos ang aking pag-asa dahil ako ay nananampalataya na mayroong “Ikaw” na maghahatid sa aking kaganapan. Hindi ito similar sa pasibong pag-asam ngunit isang oryentasyon tungo sa hinaharap. Hindi pasibong pagbibitiw sa kadiliman ang pagiging deboto sa Nazareno. Mismong ang pag-asang nag-aasam ng totoong buhay ay paglaban sa madilim na situwasyon ng tao. Personal na tumataya ang deboto ngunit ang pagtatayang ito ay hindi pagkilos niya bilang isang may kapangyarihan na kayang kontrolin ang kanyang mga aksyon o kayang pahupain ang situwasyon ng kanyang kadiliman. Ang kaniyang pag-asa ay nakatuon palabas sa kaniyang sarili— sa “Ikaw” (Thou). Sa pag-asa niyang ito, natatagpuan niya ang kaniyang sarili sa isang komunyon kasama ang ka-Iba, na hindi niya kayang kontrolin. Dahil sa kilos ng pag-asa, nararanasan ng tao ang isang kapangyarihang higit sa kaniya—kung saan siya ay dedepende upang magawang mangyari ang kaniyang aasahang pangyayari. Dahil alam niyang hindi niya kayang kontrolin ang mga pangyayaring ito dahil walang sangkap ng “ako” sa pag-asa, natatagpuan niya ang kaniyang sariling nagpapakababa sa harap ng “Ikaw.” Hindi ang “Ikaw” ang layunin ng aking paghahangad ngunit ang “Ikaw” ang nagpapanatili ng aking kilos pag-asa.  Alam kong ako ay dumedepende at nagtitiwala sa “Ikaw” na labas sa aking sarili. Ang “Ikaw” na ito ang nagpapanatili sa akin ng aking pagbubukas sa pagbubukadkad ng realidad.

Gayunpaman, sinasabi ng mga deboto na hindi nila inaasam na mangyari kaagad ang kanilang mga hiling. Habang ako ay umaasa, ako ay nagtitiyagang naghihintay sa natural na paglalantad ng realidad. Kaya kong maghintay sa aking pag-asa sapagkat ako ay hindi mag-isa, sapagkat may “Ikaw” na nagpapanatili sa aking magpatuloy sa aking pag-asa. Dahil sa pag-asa, nagpapatuloy ako sa aking situwasyon sapagkat ang mga hangganan ay hindi na hangganan. Hindi nito napapayapa ang pagdanas sa imposible ngunit itinatawid nito ang karanasan sa isang pagpapatuloy (sustainability). Hindi ko tinatanggihan ang mga datos ng kasalukuyan ngunit ininaharap nito ang kinabukasan at ang posibilidad sa pag-agpas sa kasalukuyan kong situwasyon. Hindi ko tinatanggihan ang kasalukuyan ngunit hindi ko rin tinatanggap ang katapusan ng kinabukasan. Aktibo akong tumataya at kailanman ay hindi ako papayag na sumuko sa kawalan ng pag-asa, sa kadiliman ng aking pagiging relatibo. Hindi ko ikakahon na ito ang katapusan sapagkat ako ay umaasa. At sa aking pag-asa, patuloy na buong pagbubukas ang nagaganap sa buong pamumukadkad ng realidad. Dahil hindi ko uunahan ang paglalantad na ito at nirerespeto ko ang tamang panahon, ako ay walang sawang maghihintay sa paglalantad ng presensiya. Bukas ako sa laging pagpapakita ng meron.

Isang nanay ang umiiyak habang pinupunasan ng panyo ang salamin ng Nazareno. Para raw ito sa kaniyang dalawang anak na may sakit. Humihingi siya ng tulong sa rebulto ni Hesus. Para sa kaniya, matatagpuan ang totoong totoong Diyos sa imahe ni Nazareno. Sa pagpapakita ng Meron sa deboto mula sa imahe ni Nazareno, personal ang Diyos na kaniyang nakikita. Sa palagian nilang matiyagang pakikipag-usap sa Hesus, patuloy silang umaasa at naniniwala sa isang Diyos na magtutupad sa kanilang mga kahilingan. Ayon nga kay Marcel, ang Diyos ay isang personal na buhay na Diyos na ating natatagpuan sa ating kaloob-loobang pagkatao. Marahil dahil mas nakahuhugot ang debotong ito ng mas malalim na kahulugan sa kanyang panata kaysa sa ibang paraan ng pananalig o kaya’y mas naka-ugnay ito sa kanyang karanasan sa buhay. Dahil mas totoo ang Diyos sa imahe ng Nazareno, umaasa ang deboto sa Nazareno. Isang matanda ang nagsabi na sa paggaya niya sa pagpasan ni Hesus sa mabigat na krus, mas nakakausap niya ang Diyos. “Sa tuwing papasanin ko ang krus, hindi ko nararamdaman ang sakit, init at pagod. Habang ginagawa ko ito, para bang kaming dalawa lang ang nag-uusap. Ang sarap ng pakiramdam na kausap mo ang Diyos mo.”  Marahil maitutulad ang mga deboto ng Nazareno sa relihiyosong tao ni Eliade. Ayon sa kanya, ninanais ng relihiyosong taong mamuhay sa kinaroroonan ng Banal dahil hinahangad niya ang ganap na realidad at kapangyarihan ng Banal. Dahil para sa kanya hindi posible ang pagka-relatibo ng lugar ng profane, kailangang matagpuan ang sagradong kalawakan sa mundo—kung saan walang ilusyon, puno ng kahulugan, ibinubunyag ng Banal sa absolutong realidad at mayroong oryentasyon. Dahil sa paniniwala sa Nazareno, nawawala ang kanyang mga kaguluhan sa buhay. Marahil natatagpuan ng mga deboto ang  banal na lugar sa Quiapo- dahil dito nila nakikita ang totoo at mas personal na Diyos.

Sa kaniyang paghahangad sa banal na sentro ng mundo—kung saan sa likod ng kaniyang pagka-may hangganan, nakikitagpo siya sa walang hanggang Meron. At dahil dito, nahahanap niya ang kaganapan ng kanyang pag-Meron, nagiging posible ang absolutong realidad. Mismong sa patuloy niyang pag-asa sa personal na Diyos, tinatanggap niya ang kaniyang pagiging may hangganan. Dahil ako ay wala kumpara sa iyong walang-hanggan, ibibigay ko sa iyo ang lahat dahil sa iyo na lamang ako makadedepende. Aasa ako dahil nagtitiwala ako sa iyo.

Marahil ang mga debotong taimtim na dumadalangin ay nagwiwika nang “Alam ko na bukas, maaari… Alam ko na hindi niya ako pababayaan.” Sapagkat bukas sila sa bukas. Naghihintay sila. Nagtitiwala. Nagtataya. Dahil sa mapagtiwalang pagbubukas sa Ikaw ang kanilang kilos pag-asa, na sa kabila ng kanilang pagiging may hangganan, marahil mayroong nagpepresensiya na Meron sa Quiapo na taimtim ding nakikinig.

Kay dami na nga raw milagrong nagawa ang Nazareno. Ibulong mo kay Nuestro Padre Jesus Nazareno ang iyong inaasam? Umasa ka lamang. Magtiwala. Maghintay. At magtaya.


Posted at 1/8/2006 5:01:49 pm by jazzthoughts

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry