For the sake of myself
being remembered by my short-term memory I write lines--overly non-sensical
lines of random thoughts burning with pessimism, nauseous hopelessness, spoofable
reflections, gibberish rants and sometimes retracting suicidal grains of food
cravings, insane cursings... I don't write to be appreciated. My fiction deserves
no attention. I type blank-spaced blahs of words, similar to forgetful lines
if ever you are reading these words, forgive yourself on why the heck you've
thought of browsing this page. You might feel depressed as I ponder my thoughts
on my life... so you better exit now and save yourself from insanity. Bow.
Sheethead
Queen
This is a blog written by the queen of Sheetheads. Wondering what that word
means? Sheethead is a clay mineral powder which is used to absorb oil and
grease from non-washable fabrics. Or maybe it means a head full of bright
semi-shitty crappy ideas. Or maybe Sheethead doesn’t mean anything.
This blog is
full-heartedly dedicated to Smokey’s hotdog, isaw, hematophobics, Master
Splinter of Teenage Mutant Ninja Turtles, to people strangled by the Sheethead,
to anti-posers, to the late Luis Taruc and other Pinoy liberalists and nationalists,
to the Visayan nephew, to paranoid loving parents, to siblings and relatives,
to Christian Bautista, to Iranians, to Quentin Tarantino, to UAAP fans who’ve
mistaken this blog as their idols’ fan site, to the wondrous sights
of the Philippines and of course, to YOU! YIHEE!
Quote
for the day:
If you do not know who I am, maybe you do not know who I am.
Thus, I’ve
crafted “Ten Magnificent Random Things You Should Know About
Me.” Only 90% of this is authentic. 1 is a lie.
1. I am a 24 year
old IT analyst in denial. I am an MIS graduate of the Ateneo de Manila University. I have been blogging since 2004 and developed my asthma while being bored with corporate life.
2. I am afraid of blood and roaches.
3. I am currently addicted to Damien Rice's, Up Dharma Down's and The Beatles' music.
4. I have mild amnesia and I am a fulfilled insomniac.
5. My dream is to be DOT's secretary someday.
6. I still dream of becoming a rockstar someday.br>
7. I crave for lobsters, isaw, kilawin, Meatshop's steak, more prawns, oyster, Lord Stow egg tart, Philadelphia cheesecake, aligue, calif maki, leche flan and tomato soup.
8. My knight will soon take me to Sagada, Mt. Pinatubo, Camiguin, Siquijor,
Sorsogon, Siargao, Isabela and Sulu.
9. Horsebackriding was my passion. Surfing is my dream.
10. I love singing DJ Alvaro's songs on videoke.
Wishlist:
Condo in Makati, Canon EOS 40D, Wii, TV Stick Tuner for iMac, stone driller, Godfather original DVD, P.O.A dress, violet Chuckies, free one month massage, Kitkat, Choco Mallows, Lord Stow egg tart lifetime supply, JBL sound system, B Series MB, violet Samsonite luggage, gold Rolex watch, all expense-paid trip to Batanes, Tokyo, Mt. Pinatubo, New Zealand, Siargao, Marinduque, Guimaras, Swiss Alps, France, Himalayas, Africa
Book-o-rama
Great Reads:
Alan Lightman, Nietzsche, Freud, Jessica Hagedorn,
Randy David, Conrado de Quiros, Dave Eggers, JD Salinger, Mark Haddon, Lourd de Veyra,
Doug Lansky, Michael Cunningham, Frank McCourt, Harper Lee, Gabriel Garcia
Marquez, Ramil Gulle, Bill Watterson, Roald Dahl, Nick Joaquin, Robert Fulghum,
Neil Gaiman, Citiatlas
Music-worthy
Lokals:
Dicta License, Up Dharma Down, Urban Dub, Sugarfree, Cynthia Alexander, Rivermaya, Radioactive Sago Project, P.O.T., Imago, Razorback, Wolfgang, Orange and Lemons, Brownbeat All Stars, Bamboo, The Bridge, Sugar Hiccups, Sheila and the Insects, Sponge Cola, Sandwich, Sponge Cola, Session Road, Kjwan, Kapatid, Barbie’s Cradle, The Teeth, Eraserheads, HYP, Joey Ayala, Gary Granada, Brownman Revival, True Faith, Side A, Parokya ni Edgar, Freestyle, South Border, Christian Bautista, Michael Cruz, Gary V.
Music-worthy Foreign Invasions:
Smashing Pumpkins, The BEATLES, Red Hot Chili Peppers, Damien Rice, Nirvana, Moonpools and Caterpillars, Aida Broadway, Foo Fighters, Oasis, 311, Our Lady Peace, Pearl Jam, Incubus, Deftones, System of A Down, Jars of Clay, Fra Lippo Lippi, Depeche Mode, The White Stripes, Janis Joplin, Boyz II Men, Silverchair, The White Stripes, Caetano Veloso, Tracy Chapman, No Doubt, Vertical Horizon, A Perfect Circle, Snow Patrol, Ne-yo, Regina Spektor, Keane, Sarah McLachlan, Ben Folds Five, Third Eye Blind, Usher, Live, Rage Against the Machine, Cold Play, Alanis Morisette, 50 Cent, Cranberries, Jewel, Tori Amos, Staind, Blur, Stevie Wonder, At The Drive-In, Nat King Cole, Goo Goo Dolls
Movie
Mania
In
The Mood For Love, Big Time!, Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, Reality Bites, Legend of 1900, Gattaca, I am David, Endo, Juno, Kite Runner, Schindler's
List, , Olivier, Olivier, Fight Club, City of God, Chungking Express, Cinema
Paradiso, Malena, Children of Heaven, Children of Paradise, Primal Fear, American
History X, Fahrenheit 9/11, Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon, Karnal, Fallen,
Catch Me If You Can, Fallen Angels, La Jette, Y Tu Mama Tambien, Amores Perros,
The Crime of Padre Amarro, Legend of the Falls, In America, American Beauty,
Snow Falling On Cedars, Amelie, Run Lola Run, Talk To Her, The Rainmaker,
Seven, Life is Beautiful, My Best Friend's Wedding, Confessions of A Dangerous
Mind, How To Lose A Guy in 10 Days, Kill Bill, Godfather 1, Motorcycle Diaries,
Godfather 2, Closer, Mulan, Shawshank Redemption, One Flew Over the Cuckoo's
Nest, The Others, Practical Magic, Chocolat, The Matrix 1, Shrek, Monsters,
Inc., Almost Famous, The Pianist, Girl Interrupted, Lost in Translation, Cider
House Rules, Devil's Advocate, Dead Man Walking, Philadelphia, Citizen Kane,
Not One Less, Minority Report, Sixth Sense, Big Fish, Kill Bill 2, Godfather
3, Artificial Intelligence, Killing Me Softly, Vertical Limit, L'Appartement,
Au Revoir Les Enfantes, Osama, The Adaptation, Imelda, Queen Margot, American
Rhapsody, La Vida Rosa, Before Sunset, Waking Life
Madalas nila akong itinatawag na xerox copy, carbon copy o kabiyak ng aking Ina. Dahil daw ito sa walang-kagaya-kundi-kay-Ina na Pinoy na ilong. Dahil daw matataguriang bersyon ng mga mata ni Ina ang aking mga mata. Dahil daw ito sa mga dimples naming lumalabas tuwing napangingiti kami. Dahil daw ito sa walang patawad na kasungitan, pagkasuplada at katapangan na dugong Kabitenya ni Ina na napamana rin sa akin. Hinding hindi raw ako maitatakwil na anak ng aking Ina.
Bilang bunsong babaeng anak at carbon copy, sinasabi ng aking mga kapatid na ako raw ang paborito ng aking Ina. Assistant nga naman ako ni Ina sa napakaraming mga bagay. Buntot o anino—lagi akong kasunod at kasama ni Mama. Kung may naghahanap ng gamit ni Ina, ako ang nakaaalam kung saan. Tuwing mamimili si Mama, kasa-kasama niya ako at tinagurian niya akong personal shopper. Magkasama kami lagi tuwing magsisimba at manonood ng pelikula. Siguro’y sa madalas kong pagsama sa kaniya, nagiging parang katulad ko na siya.
Hindi man uso sa aking pamilya ang palagiang pagsasabi ng I love you, masasabi kong busog ako sa pagpapaabot ni Ina sa akin ng kanyang pagmamahal bagaman hindi ito sa tuwirang pamamaraan. Bibilan ako ni Mama ng aking paboritong cheesecake, hakaw, chinese delicacies o egg tart tuwing siya ay luluwas ng Maynila. Binili niya ako ng mapa upang bigyang gabay ang aking hindi maitutuwid na kahinaan sa mga direksyon. Binili niya ako ng mamahaling pang-make-up para sa ikabubuti ng aking mukha. Lagi niyang sinisigurong masarap at espesyal ang aming kakainin tuwing uuwi kami sa aming bahay. Sinamahan niya ako, para bagang beybi pa rin ako kahit na 19 na taong gulang na ako… dahil takot na takot akong magpablood test-- kahit na mukha kaming tanga doon, dala-dala niya ang supot at pamaypay para sa kanyang hematophobic na nahihilong anak. Itinatago niya para sa akin ang mga magazines at diyaryo na alam niyang babasahin ko. Sasabihin niya sa akin kung ano ang mga “uso.” Gumupit na siya ng mga clippings sa diyaryo ukol sa paghahanap ng trabaho bago pa man ako grumadweyt. Isa sa mga una niyang paintings ay inilikha niya para sa akin. At kung may greatest fan nga ako sa aking buhay, tiyak na siya iyon. Hindi man ako biniyayaan ng kagandahan o lubos na katalinuhan, nandiriyan siya lagi para sabihing kaya kong daanan ang lahat ng bagay. Nandiyan ang mga texts niya sa aking mga imposible man ngunit nakahihikayatna “May you get 100%.” Nandiyan ang nerbyosa niyang pag-aalala. Agad-agad akong iteteks sa mga bagong modus operandi ng mga masasamang kaluluwa na naitapon sa balat ng lupa.
Carbon copy man kami sa maraming bagay, lagi kaming nagtatalo ni Mama. Lagi siyang naiirita sa tipo kong musika. ‘Ika nga, musika raw ito ng demonyo. Habang sinasabihan kong baduy ang hilig niyang Hollywood pop movies, ayaw na ayaw niya naman ang “wirdong” indie films na gustong gusto ko. Lagi niya naman akong ipinagagalit sa pagbabasa ng hindi niya dapat basahin—ang aking inbox sa aking cellphone at pag-google para sa aking bloga.
Si Mama rin ang prangka na ina. Hindi man maintindihan ng kanyang mga anak, sasabihin niya ang mga pangit na katotohanan alang-alang sa amin. Hindi mo puwedeng baluktutin ang kanyang mga pagpapahalaga at prinsipyo. Kahit na de-driver, hatid-sundo o de-kotse kami buong buhay, tinuruan niya kaming matutong tumayo ng mag-isa. Ang aking dalawang kuya at ako ay natutong maging parang matatanda noong 13 gulang pa lamang kami. Tumira kami sa Maynila kung saan “walang ama at ina” para sa mas magandang edukasyon. Sa aming nakasanayan na walang tumatayong ama at ina, natutunan namin ang salitang responsibilidad. Noong hayskul pa lamang ako, kina-iinggitan ako palagi ng aking mga kaklase dahil parang wala akong curfew at tila malaya akong gawin kung ano ang gusto kong gawin. Palagi man akong pinapayagan sa kung anumang gimmick, alam ko kung hanggang saan ang hangganang kaakibat ng aking responsibilidad.
Kahit na sa tuwing Sabado at Linggo lamang kami nagkikita ng aking mga magulang noon, hindi nagkulang si Mama sa pag-aaruga. Masungit man si ina, hindi mababale-wala ang mga pag-aaruga niya para sa kanyang limang anak-anakan—kaming apat na anak niya at ang kanyang asawa. Baliktad kase ang aking Mama at Papa. Kung mapagbiro at parang bata si Papa, seryoso at may direksiyon lagi si Mama… kaya tuloy minsan ay itinuturing niya na ring anak ang kanyang asawa. Pagsasabihan niya si Papa sa tuwing alam niyang nagkakamali si Papa. Tradisyonal ang pag-iisip ni Papa habang bukas ang isipan ni Mama sa maraming bagay. Ipaliliwanag niya sa kanyang asawa ang maraming komplikadong bagay oras na hindi ito maintindihan ng “black or white only” na pag-iisip ni Itay. Parang aso’t pusa man sila, nagtatagumpay pa rin sa huli ang walastik na kombinasyon ni Pa at Ma.
OC din si Mama sa maraming bagay. May index cards ang mga recipe at menu sa bahay. May mga notebook siya na may notes ukol sa mga presyo ng kanyang mga nabili, dapat bilin, websites na nireresearch niya at direksyon sa iba’t ibang lugar. Nakaayos din sa mga folders ang bawat grades, ID pictures, certificates, atbp ng kanyang mga anak. Mapaabubot niya o buhok namin noong sanggol kami ay naitago niya.
Kung gaano man siya ka-OC ay ganoon din ata siya ka-paranoid. Ayaw niyang magsine dahil baka mayroongbomba raw sa loob. Ayaw niya ang sumakay sa barko dahil baka magka-tsunami raw. Ayaw niya akong magcommute dahil baka ma-rape o makidnap daw ako. Lagi niyang sinisimot ang inbox ng kanyang e-mail dahil baka may mang-hack daw na conpidensiyal na impormasyon. Hindi raw ako dapat gumamit ng totoo kong pangalan sa Web dahil mapanganib na raw ang Internet. Ayaw niyang kumain ng isaw o anumang turo-turo dahil baka ma-food poisoning daw. Lagi siyang nag-aalcohol o sanitizer bago kumain. Lagi niyang pinupunasan ang kanyang kutsara, tinidor, kutsilyo, puswelo at plato tuwing kami ay kakain sa labas. Nagmadali siya noon noong bumibili ako ng pirated DVDs dahil baka may mang-raid daw.
Habang pinagtatawanan ko ang pagka-paranoid niya, natatawa naman siya sa aking nakakaawang mukha at paminsan-minsa’y bibigay siya sa aking nakaaawang butas na pitaka at ibibili ako ng damit kahit na nabigay na niya sa akin ang aking shopping allowance. Ngunit hindi siya basta-bastang bumibili ng mga bagay para sa kanyang mga anak. Napakatipid ni Mama. Kahit na alam kong kaya naming bilin ang iba’t ibang mga bagay, sinisiguro niya na hindi kami masanay sa luho. Bukod sa kanyang kasanayang tumawad sa mga tindero, sinisiguro niyang nasa budget lagi ang aming mga binibili. Kabisado niya kung ano ang presyo sa mga tindahan. Halos lahat na ata ng tindahan ay may discount card o frequent shopper’s card siya. At palagi niyang isinasakripisyo ang kanyang mga gustong bilhin para lamang makatipid. Doon sa Greenhills o Divisoria siya maghahanap ng mga maisusuot niya kahit na kayang kaya niya namang makabili ng mga mamahaling damit. At kahit na inarbor na ng kanyang dalawang babaeng anak ang kanyang damit at sapatos, okey lang sa kanya. Gusto niya laging walang sayang at may matira para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.
Sikap at pagsulit sa bawat oras ng buhay—iyan ang laging turo sa amin ni Mama. At kahit na naunahan pa kami ng aming driver magkaroon ng cable TV, hindi pa rin namin natitikman ang HBO, Star, Fox, Etc o anumang uso sa mundo ng cable. Natutunan ko ang halaga ng sariling pagsisikap sa kanya. Kahit na napabibilang kami sa mapapalad na middle-class sa bansang ito, ipinakita niyang hindi lahat ay dapat aksayahin. Kailangan itong paghirapan. Lagi niyang sinasabi sa aming maging produktibo—huwag pa-higa-higa lamang o panood-nood lamang ng telebisyon. Maliit pa lamang ako ay naranasan kong maging kahera at maging manager ng aming grocery at gas station. Sa pagpapakita ng aking mga magulang na kailangang ikaw mismo ang dapat magpawis, naipakita nila kung paano ang tunay na pagsusumikap.
Hindi niya man eksaktong sinabi na “lahat ay kayang abutin”, sa kanyang napakalawak na interes sa mga bagay-bagay naipamalas niya ang pagtalima sa kanyang mala-batang mga aspirasyon. Lagi siyang mayroong ipinagkakaabalahan. Hindi siya nawawalan ng sigla sa buhay. Dumaan ang panahon noong nakahiligan niya ang pag-aalaga sa isda, bonsai at orchids, sa origami, sa photography, sa landscaping, sa beads, sa pananahi, sa pagbuo sa CPU, sa feng shui, sa tarot reading, sa pag-make-up, sa aerobics, sa alahas, sa paggugupit ng buhok, sa drawing, sa painting, sa baking, sa golf, sa badminton, sa pangongolekta sa kung anu-anong mga bagay at marami pang iba. Lagi siyang abala sa kung anumang nakahiligan niya. Nakahiligan niya rin dati ang pag-aabogado. Kahit na 39 na taong gulang na siya noon ay kumuha siya ng Law sa Unibersidad ng Pilipinas. Ngunit dahil may mga anak siya noon kagaya ko na anim na taong gulang pa noon, itinigil niya ang oportunidad na ito.
Marami ngang isinakripisyo si Mama dahil sa “pagnananay” niya. Isinakripisyo niya ang mas madali sanang karir niya. Bilang CPAna nagtapos sa UP, alam kong mas naging madali sana ang buhay niya… kung ikukumpara sa pagiging “ilaw” niya ng aming tahanan, sa pagiging nanay ng kanyang apat na anak. Ayaw niyang ipagkatiwala lamang sa mga yaya ang kanyang mga anak kaya itinigil niya ang sana’y kinabukasan niya noon. Noong nagka-anak ang aking Ate sa gitna ng kanyang pagkuha ng medisina, isinakripisyo niya ulit ang kanyang mga tulog, pagod at oras sa pag-aalaga ng kanyang apo. Para maipagpatuloy ng aking kapatid ang kanyang pagdodoktor, inalagan niya ang kanyang apo na parang anak niya na rin.
Lagi akong binibiro ni Mama na ako ang Nanay niya. Madalas kasi ay ipinagsasabihan ko siya—na tumingin sa kinakausap niya, huwag bilhin ang baduy na damit at lambingin si Papa. Hinding hindi ako papayag na tawaging Nanay niya lalo na’t alam kong hinding hindi ko kayang tapatan ang naidulot ng kanyang “pagnananay” sa kanyang mga anak. Hindi ko man naipapakita sa kanya kung gaano ako kasaya sa tuwing sinasabing junior ako niya, sana’y pagdating ng panahon, masuklian ko ng sobra-sobra ang walang pakundangang pagmamahal niya.